Sunday, January 29, 2012

Kalsada

Kanina habang nasa biyahe ako papasok sa opisina,
Nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan.
tahimik na nagmamasid sa mga tao, sasakyan, gusali.. sa lahat.

May isang partikular na tagpo ang pumukaw sa aking lutang na kamalayan.

Kung tutuusin napakasimple lang naman talaga.
Dalawang bata akala ko naglalaro.
Hinila ng isa ang kasama, tila magkapatid na nagkakatuwaan.
Sabay maya maya may dumating na lalaki at ginulat nila ito.
Ang ama nila sa pakiwari ko.
Naglalakad sila habang nagtatawana.
Napagandang larawan.
Kung maari nga lang ito kuhanan at ipinta sa mga sandaling yun ginawa ko na.

Minsan ang mga pinakasimple talagang bagay di naman kailangan ng pera.
Kundi tunay na saya.
Bukal sa pusong pagtawa.
Mga halakhak na dulot ay ligaya.
Lahat ng iyan ang nagbibigay kahulugan sa buhay.
Nagpapaikot sa mundong ito.

Kahit pa sabihin mong nangyari ang mga iyon sa gitna lang ng kalsada.

8 comments:

  1. nice one ate, nakita lang kita nagcomment dun sa tnl blog. ayos din tong blog mo, bookmarked na hehe. update mo to ate ha, susubaybayan kita hehe

    -glenn

    ReplyDelete
  2. salamat. :)
    medyo nakakahiya nga eh,
    bago palang kasi sa blogspot.
    a month palang.
    sana makapag post ng magaganda.
    ayun.

    ReplyDelete
  3. baka ate may fb fan page ka ililike ko hehe

    -glenn

    ReplyDelete
  4. hey glenn, wala eh. at nakakahiya naman magkaroon.
    hahaha. di ako artista :)

    ReplyDelete
  5. kahit hindi nalang fan page, kung ok lang pa add hehe

    -glenn

    ReplyDelete
  6. I'm actually creating my fan page na. Advice given by someone :)

    ReplyDelete
  7. nakita ko na fb mo, ang ganda mo pala ate hehe

    -glenn

    ReplyDelete