Saturday, February 25, 2012

At Nang Malanta ang mga Santan (Part2)

Tangi kong naririnig ay ang busina ng mga sasakyan. Maingay. Nakakabingi. Magulo ang paligid. Ngunit alam ko sa sarili ko na mas nanaisin ko ito kaysa naman ang nakakabinging katahimikan.
Sapagkat kapag nagkaganon muli lamang dadaloy ang mga luha ng walang humpay. Wala nanaman ako ibang madarama kundi ang nakamamatay na kalungkutan. Hindi ko na maalala kanino ko narinig ang madramang termino na yun. "Nakamamatay daw ang kalungkutan lalo na kung pagkabigo sa pag ibig ang pinag ugatan nito."
Paroo't parito ang mga tao. Walang tigil. Ganoon nga lang ata talaga minsan, magsisilbi kang kalsada sa iba't ibang tao. Tanging silbi mo lang ay daanan para sa tunay nilang destinasyon.Ganun, dadaanan ka. Walang pakundangang aapakan. Minsan masaklap niyan duduraan ka pa. Basta importante lang naman mapuntahan nila yung kailangan nila marating. Oh eh ano, kalsada a nga lang diba?
Mahaba haba rin ang byahe. Traffic!Di ko namalayan nakatulog na pala ko sa dyip sa kabila ng init. Siguro dahil na rin iyon sa sobrang pagod noong mga nakaraang araw. Pagkarating ko sa LRT buti naman at wala masyadong tao. Medyo nabawasan din ang init na nararamdaman ko dahil sa lamig na dulot ng airconditioner. Pero paglipat sa MRT. whoah! Bungguan na kayo ng siko. Ramdam mo na pawis ng katabi mo. Tipong kung merong may putok maaamoy mo talaga. Naloka ako ng husto.
Pinili ko sumakay sa ordinary bus. Ang sarap naman kasi ng hangin. Muli akong nakatulog dahil na rin sa ihip ng hangin. Idagdag mo pa na maliban sa makina ng bus ang maririnig mo na lang ay pagaspas ng mga dahon sa bawat isa sa halip na busina ng mga sasakyan. Hay... Namiss ko to.
Sabay tanong sa sarili, kelan ko nga ba huling nagawa to? Ang umalis ng mag isa. 
Damhin lang ang bawat paghinga. Masdan ang kalikasan at mamangha. Lumanghap ng sariwang hangin.  Makinig sa huni ng mga ibon. Matulala sa berdeng tanawin na animo isa itong obra maestra na ipininta ng perpekto at walang kapintasan man lamang. Kelan nga ba?
Ngayon ko naramdaman ang mga kakulangan ko. Mga bagay na pinabayaan kong lumipas ng ganoon na lamang. Mga sandaling napabayaan at naging kasayangan. Mga yaman na kung bakit hindi ko napuna. Hindi pinagtuunan ng pansin na akala mo ay basura lamang. Ngayon ako nalilito.
Ang tagal ko pala talaga naging abala sa mga bagay na wala namang saysay. Nangarap ng walang direksyon at nagmithi na matamo ang bagay na alam kong lilipas din. Tapos hayun ng hindi ko nakuha akala mo nagunaw ang mundo ko na kung tutuusin isang oportunidad lang naman ang nawala. Hindi naman ako namatayan. Tsk.
Ngayon habang nakikita ko ang mga bagay na una kong minahal unti unti akong nakaka recover . Ngayon ko naalala kung gano ko minahal ang simpleng buhay noon. Na tangi ko lang naman ginusto ay ang may sapat. Sapat para mabuhay. Sapat para sabihing hindi kulang. O di kaya'y sapat para magkaroon ako ng dahilan para patuloy na mangarap at masabik sa sorpresang kasama ng bukas.
Bukas iibig. Bukas ngingiti. Bukas mangangarap. Bukas sasayaw. Bukas kakanta. Sa saliw ng musika. Kaulayaw ng tinig ng kalikasan. Bukas babalik ako at babalikan kita. Bukas... ..muli kong makikilala ang sarili ko.
Ngunit dahil nandito na ko sa Bulacan, oras na para bumaba. Kaya't ako ay nagpatuloy sa paglakad, pababa ng bus papunta sa lugar kung saan kami magkikita. Habang sinsalubong ako ng malakas at malamig na hangin. Tanawin ng mga kawayan at sa malayo'y kabundukan at naramdaman ko ang kapayapaan kahit panandalian.
(Itutuloy)

7 comments:

  1. Nakakabitin naman. Parang pag-ibig.

    ReplyDelete
  2. Hahaha. Sorry naman. Post ko agad Part3 kapag nagawa ko na medyo busy busyhan lang :)

    ReplyDelete
  3. Wait lang sir I'm a bit busy paghahanap ng bagong kumpanya :)

    ReplyDelete
  4. Haha sige po mam.. cnxa na.. atat lang..

    ReplyDelete
  5. Hi malsito here.. iba yung nagappear na name ko bigla bago lang kasi ako dito.. anyway.. hintayin ko nlang yung part3 Goodluck po sa paghahanap! Godbless

    ReplyDelete