Ang araw na iyon ay mainit. Tirik ang araw. Maalinsangan ang simoy ng hangin. Masakit sa balat ang dampi nito. Nakakatuyot.
Gusto ko ng payong ngunit masakit ang aking mga braso upang hawakan ito. Gusto ko ng sunblock man lamang upang huwag naman matusta ang balat ko ngunit saan ako kukuha nito? Wala akong dala. Isa pa ito ay malagkit.
Ngayon ako nagsisisi na lumabas ako ng bahay. Dapat pala hindi na lang ako sumama. Tutal hindi naman talaga ang mga pinakamalapit kong kaibigan ang naroon.
Marahil tatanggapin naman nila kung sasabihin kong hindi maganda ang aking pakiramdam. Kahit pa sabihing excuse lang yun sa katamaran ko.
Pero sige, tutal at nandito na din naman ako sa arawan naghihintay ng dyip itutuloy ko na.
Ilang oras din naman kasi ang byahe papuntang Bulacan. Kaya kailangan umalis ako ng mas maaga para hindi naman nakakahiya. dyip, lrt, tapos mrt. Dyip ulit, bus, at traysikel nandun na ko. Iniisip ko palang nararamdaman ko na ang pagod.
Nakakatawang isipin na gagawin ko ito upang mag unwind ngunit wala pa man pagod na ko. "Hay....." sana makukuha sa buntonghininga lahat ng hinanakit.
Ang sama sama ng loob ko pagkatapos kong malaman na yung inaakala ko na gusto ko ay makukuha ko na. Biglang hindi. Magulo ba? Teka, may isang bagay akong gusto, akala ko sa wakas ay makukuha ko na siya, biglang hindi.
Ewan ko ba kung bakit ang daming bagay sa buhay na akala mo abot kamay mo na tapos biglang ang layo layo pala. Parang isang gabi na nakatingin ka lang sa buwan at mga bituin kala mo abot kamay at maaari mong hawakan ngunit napakalayo pa pala.
Isa yan sa mga bagay na siguro hindi ko na dapat makalimutan.
Ayan na ang dyip, pinara ko at sumakay ako.
Nakakabitin... abangan ko part 2 nito. :)
ReplyDelete-Merck
asan n ung piece para saken??? hmmm.
ReplyDelete